This site uses cookies.
Some of these cookies are essential to the operation of the site,
while others help to improve your experience by providing insights into how the site is being used.
For more information, please see the ProZ.com privacy policy.
This person has a SecurePRO™ card. Because this person is not a ProZ.com Plus subscriber, to view his or her SecurePRO™ card you must be a ProZ.com Business member or Plus subscriber.
Affiliations
This person is not affiliated with any business or Blue Board record at ProZ.com.
English to Tagalog: Newspaper article/News General field: Other Detailed field: Journalism
Source text - English Scrap Canada’s Live-in Caregiver Program: End violence against Filipino women!
As progressive Filipino-Canadian women, the National Alliance of
Philippine Women in Canada (NAPWC) once again calls for the scrapping of the racist and anti-woman Live-in Caregiver Program (LCP). We hold the federal government, through its Citizenship and Immigration Canada (CIC) Minister Jason Kenney, accountable for maintaining modern-day slavery in Canada and in perpetuating racism and violence against women.
For a country that basks in the reputation as a champion of human rights and women’s equality, Canada clearly fails to uphold the fundamental human rights of live-in caregivers and instead facilitates state violence against these women and the Filipino-Canadian community. While Canada continues to recruit live-in caregivers, 96% from the Philippines, to provide care for children, people with disabilities and the elderly of middle and upper-class Canadian families, Canada is unwilling to provide necessary protection to this group of women and turns a blind eye to the numerous and worsening cases of abuse and neglect perpetuated by this program.
At the height of the series of exposes on the abuses under the federal government’s live-in caregiver program (LCP), Minister Kenney denies the structural violence that is inherent in this program and justified it to be a “valuable program” in a radio interview with CBC’s “The Current” last May 8, 2009.
While the Minister is quick in stating that the LCP “allows a pathway to permanent residency and ultimately Canadian citizenship,” CIC neglects the fact that an increasing number of Filipino live-in caregivers have been deported and continue to face deportation because they are unable to complete the stringent requirements of the program.
The deportation of Lilebeth Agoncillo and her Canadian-born baby last December, 2008, Acier Gomez and many others over the years who have been ordered to leave Canada immediately for not meeting the 24 months of live-in work within three years is a testament of the cruelty and unjust treatment of live-in caregivers under this program.
In an effort to further justify the LCP, Minister Kenney even had the gall to use our slogan of "End it, don't mend it!" but changed it saying
"Mend it, don't end it!" While he says that a small number in the community support the scrapping of the LCP call, our member organizations across Canada are reporting that more and more Filipino women under the LCP, and others in the Filipino and broader Canadian society are also supporting the call to eliminate this program as a stain on Canada's
human rights record.
Furthermore, Minister Kenney’s statement that the consequence of shutting the program would “close the door to Canada for a large number of people who don’t have the advance education [to get in]” is a clear testament of the racism that is embedded in Canadian immigration policies. As the third largest visible minority group in Canada, the Filipino community is one of the most highly-skilled, highly-educated immigrant groups in Canada.
"We are appalled at Minister Kenney’s racist and offensive statement and call on the Minister to stop the degradation of the Filipino community, particularly of the Filipino women under the LCP.
For nearly twenty years, we have been in the forefront of exposing the exploitation and oppression of Filipino women in Canada. We
have presented numerous briefs to the Parliamentary Standing Committee on Citizenship and Immigration and to the Ministry of the Status of Women on the inhumane and violent treatment endured by thousands of Filipino women under the LCP, but government after government has refused to critically review and assess this program and its impacts on the larger Filipino community.
In light of the current Parliamentary inquiry on the LCP, we are adamant that without the removal of the mandatory live-in requirement, the requirement to work 24 months within a three year period, temporary immigration status and the employer-specific contract under the LCP, the situation of Filipino live-in caregivers will never improve. The fundamental pillars of the LCP provide the systemic context for their abuse and
vulnerability, and while these remain intact, unregulated work
conditions and cases of abuse and exploitation of foreign live-in
caregivers will intensify. The criminalization of live-in caregivers,
rape, death, de-skilling and forced prostitution are just some of the
harsh impacts of the program to the women, their families, and the
community.
The NAPWC maintains that the LCP is a program created not for the sole purpose of giving an opportunity for women from the Third World to migrate to Canada. The offer of getting permanent residency status upon completion of the program is merely a “hook” for live-in caregivers to stay in the LCP because it is a job that no other Canadians would take. The LCP is also the expression of the hypocrisy of Canada, as an industrialized country, it is not providing national universal childcare and promotes the further privatization of the Canadian healthcare system.
Translation - Tagalog Note: TRANSLATED ACCORDING TO THE REQUIREMENT OF A NEWSPAPER
Live-in Caregiver Program: Alisin! Pang-aabuso sa mga Pinay, wakasan!
Muling nanawagan ang progresibong kababaihang Filipino-Canadian mula sa National Alliance of Philippine Women in Canada (NAPWC) para sa pag-aalis ng anila'y racist at anti-woman Live-in Caregiver Program (LCP). Sa pahayag na inilabas ng grupo, diumano, responsable ang pamahalaang federal, sa pamamagitan ni Citizenship and Immigration Canada (CIC) Minister Jason Kenney, sa pagmamantine ng 'modern-day slavery' sa Canada at sa pagtataguyod ng racism at pang-aabuso sa kababihan.
Para diumano sa bansang may reputasyon ng pagiging kampeon sa pagtataguyod ng karapatang pantao at pagkakapantay ng kababaihan sa kalalakihan, nabigo ang Canada sa paglalaan nito sa live-in caregivers at sa halip naging daan sa pang-aabuso laban sa mga kababaihan at sa Filipino-Canadian community. Habang patuloy ang Canada sa pagkuha ng live-in caregivers, 96% mula sa Pilipinas, upang mangalaga ng mga bata, taong may kapansanan at ang matatanda ng mayayamang pamilya rito, ayaw naman ng Canada na maglaan ng nararapat na proteksyon para sa kababaihan at nagbubulag-bulagan ito sa ilang malulubhang kaso ng pang-aabuso at pagpapabaya sa programang ito.
Sa kasagsagan ng serye ng pagsisiwalat kaugnay ng pang-aabuso sa ilalim ng LCP, itinatanggi ni Minister Kenney ang istruktural na pang-aabuso na kaakibat ng programang ito sa panayam ng programa sa radyo na "The Current" ng CBC noong Mayo 8, 2009, ipinangatwiran niyang isa itong mahalagang programa.
Bagaman inihayag ng minister na ang LCP “allows a pathway to permanent residency and ultimately Canadian citizenship,” pabaya naman ang CIC, dahil dumarami ang bilang ng Filipino live-in caregivers na naipatapon palabas ng bansa o nahaharap sa deportasyon dahil hindi makatugon sa napakahigpit na proseso ng programa.
Ang deportasyon ni Lilebeth Agoncillo at ng kanyang sanggol na ipinanganak dito sa Canada noong Disyembre 2008, si Acier Gomez at iba pang inatasang umalis ng bansa dahil sa hindi pagkakaabot sa 24 buwang pagtatrabaho bilang live-in sa loob ng tatlong taon ay isang patunay ng pagpapahirap at di makatarungang pagtrato sa mga live-in caregiver sa ilalim ng programa.
Sa pagpupunyaging pangatwiranan ang LCP, nagkalakas-loob pang ginamit ni Minister Kenney ang aming kasabihang "End it, don't mend it!" bagaman pinalitan ito ng "Mend it, don't end it!" Bagaman, aniya, may maliit na bilang sa komunidad na sumusuporta sa panawagang pag-aalis ng LCP, ang aming mga miyembrong organisasyon sa buong Canada ay nag-uulat na parami nang parami ang kababaihang Pilipino sa ilalim ng LCP, at iba pa sa Filipino at mas malawak na lipunan sa Canada ang sumusuporta sa panawagang pag-aalis ng programa dahil ito ay mantsa sa datos ng karapatang pantao ng bansa.
Dagdag pa rito, ang pahayag ni Kenney kaugnay ng posibleng bunga ng pagsasara ng programa ay “pagsasara ng pinto ng Canada sa maraming tao na walang mataas na edukasyon (upang makapasok)” ay isang malinaw na pahayag ng racism na nakaangkla sa polisiya ng imigrasyon ng Canada. Bilang ikatlong pinakamalaking grupong minorya sa Canada, ang Filipino community ang isa sa may pinakamataas na kasanayan, at may pinag-aralang pangkat sa Canada.
"Nagulat kami sa nakaiinsulto at racist na pahayag ni Minister Kenney at nananawagan kami sa Ministro na tigilan na ang pambababa sa komunidad ng mga Pilipino, lalo na ang mga kababaihang nasa ilalim ng LCP. Sa loob ng halos dalawampung taon, nangunguna kami sa pagsisiwalat ng pang-aabuso at panggigipit sa mga kababaihang Pilipino sa Canada. Nagharap na kami ng iba't ibang mungkahi sa Parliamentary Standing Committee on Citizenship and Immigration at sa Ministry of the Status of Women kaugnay ng di makatao at bayolenteng pagtrato na tinitiis ng libu-libong kababaihang nasa ilalim ng LCP, ngunit tumatanggi ang bawat gobyerno na pag-aralan at tayahin ang programang ito at ang epekto nito sa malawak na komunidad ng Pilipino," saad sa pahayag.
Kasabay ng kasalukuyang imbestigasyon ng Parliamentaryo sa LCP, naninindigan kami na ang hindi pag-aalis ng mandatory live-in requirement, ang 24 na buwang pagtatrabaho sa loob ng tatlong taon, temporary immigration status at ang employer-specific contract sa ilalim ng LCP, ay hindi bubuti ang sitwasyon ng Filipino live-in caregivers.
Isinaad pa ng NAPWC sa kanilang pahayag na ang mga pangunahing suhay ng LCP ay naglalaan ng systemic context para sa pang-aabuso, at habang naririyan ang mga ito, ang mga hindi kontroladong kondisyon ang kaso ng pang-aabuso ay titindi. Ang kriminalisasyon ng live-in caregivers, panggagahasa, pagkamatay, pagtanggal ng kasanayan at pwersahang prostitusyon ay ilan lamang sa matitinding epekto ng programa sa kababaihan, kanilang pamilya at ng komunidad.
Naninindigan ang NAPWC na ang LCP ay programang binuo hindi lamang para sa layuning magbigay ng oportunidad sa kababaihan mula sa mga papaunlad na bansa upang makapunta sa Canada. Ang alok na maging permanent resident pagkatapos ng programa ay isang bingwit sa mga live-in caregiver upang manatili sa LCP dahil ito ay isang trabahong walang ibang Canadian na sasalo. Ang LCP ay paghahayag ng kaipokrituhan ng Canada, bilang industriyalisadong bansa, at hindi ito naglalaan ng pambansang universal childcare at pinalalawak ang pagtataguyod ng pagsasapribado ng Canadian healthcare system.
English to Tagalog: News
Source text - English Police watch malls for purse snatcher in car
Police officers have been stationed at malls across the city after a woman was dragged by a car during an attempted robbery at a Don Mills shopping centre - an incident police think is only one of a series of similar crimes.
Around 9:30 p.m., emergency officials were called to Fairview Mall, on Sheppard Ave. E., at Don Mills Rd., after passersby spotted what appeared to be an unconscious woman lying in front of Shoppers Drug Mart.
When emergency officials arrived, they found her conscious and able to speak.
She told police she had been walking in the parking lot when a red car approached her from behind, said Staff. Sgt. Devin Keley. All of a sudden, a suspect described as a balding white man reached out and grabbed her purse.
She held onto her bag as the car started driving away.
She was dragged a short distance before the man finally fled northbound through the lot, empty-handed.
Within minutes, a city-wide alert was issued and police officers flooded malls along major highways. Similar incidents have been reported at other police divisions.
Earlier today, a woman walking in the parking lot of Yorkdale Mall, near Hwy. 401 and Dufferin Rd., was robbed of her purse by a man fitting the same description, driving a similar car.
Police also think the same suspect may have robbed a woman at an Etobicoke mall a few days ago.
Toronto police have also warned York Region police as strip malls along Hwy. 7, especially those with movie theatres, may stay open later than regular malls.
The alert describes the suspect as a balding, white male who "hangs out" at mall parking lots in an older-model red car, possibly a Dodge.
Translation - Tagalog NOTE: TRANSLATED ACCORDING TO A NEWSPAPER REQUIREMENT
Snatcher, gumagala sa parking lot ng malls
BABALA: Huwag maging kampante.
Ito ang mensahe ng mga pangyayaring naganap sa iba't ibang mall kamakailan sa ilang bahagi ng Toronto, kung saan pinaghihinalaang gumagala ang isang snatcher na bumibiktima ng mga babaeng shopper.
Noong nakaraang linggo, ipinakalat ang ilang pulis sa iba't ibang mall sa buong lungsod makaraang makaladkad ng isang kotse ang babaeng biktima sa Fairview mall sa Sheppard Ave. E., sa Don Mills Rd.
Dakong alas-9 ng gabi noong Enero 13 nang may tumawag sa awtoridad kaugnay ng babaeng walang malay sa tapat ng Shoppers Drug Mart.
Nang dumating ang emergency officials, nagkamalay na ang babae at nakapagsasalita na.
Ani Staff Sgt. Devin Keley, inihayag ng babae na naglalakad siya sa parking lot nang may papalapit na pulang kotse mula sa kanyang likuran at biglang inagaw ang kanyang bag. Subalit hindi binitawan ng biktima ang kanyang bag kaya nakaladkad siya ng sasakyang minaneho ng suspek.
Inilarawan ng biktima ang suspek na isang nakakalbong puting lalaki. Naniniwala ang pulisya na ang pangyayaring ito ay isa sa serye ng katulad na krimen na naganap sa lungsod.
Bunga nito, kaagad na nagpakalat ng mga pulis sa mga mall lalo na yaong malapit sa major highways. May katulad ding mga insidente na iniulat sa ibang police divisions.
Nang araw ding iyon, isang babae ring naglalakad sa parking lot ng Yorkdale Mall, malapit sa Hwy. 401 at Dufferin Rd., ang inagawan ng bag ng lalaking may katulad ding paglalarawan sa naunang suspek at katulad ding sasakyan.
Ipinagpapalagay rin ng pulisya na posibleng ang pareho ring suspek ang nambiktima sa isang babae sa isang Etobicoke mall ilang araw na ang nakalilipas.
Nagbabala na rin ang Toronto police sa York Region police kaugnay ng mga mall sa kahabaan ng Hwy. 7, lalo na yaong may mga sinehan na mas mahabang oras na bukas kaysa mga regular na mall.
Base sa alerto, inilarawan ang suspek na nakakalbo, Puti, naglalagi sa parking lot at nagmamaneho ng lumang modelong pulang kotse, posibleng Dodge.
More
Less
Experience
Years of experience: 25. Registered at ProZ.com: Mar 2010.